Entry: bagong buhay!!! Sunday, February 01, 2004





 mtgal tgal rin akong hindi nkasulat...bunga ng mga pangyayaring di ko inaasahan... at higit sa lahat, sumubok sa aking lakas...hindi ko na ilalahad dito kung ano man iyon...dahil gusto ko na iyong kalimutan...gusto ko nang magpatuloy...nakakalungkot isipin na sa buhay na ito, may mga bagay na kailangan mong tanggapin, kahit masakit, kahit hindi mo maintindihan kung bakit sa sa dami dami ng tao sa mundo ay sa iyo nangyayari ang mga bagay na hindi maganda, maloloka ka talaga! pero naisip ko rin na dahil sa mga napagdaanan ko, nararamdaman ko ang mas makabuluhang pagbabago, para mas lalo pang bumuti ang aking pagkatao at sarili...kahit na may sakit pa akong nararamdaman, gagamitin ko ang sakit na iyon para mas lalo pa kong tumibay...at kung tutuusin, ang napagdaanan kong problema ay tungkol sa pag-ibig!!! iniisip ko na aba, mas marami pa diyan ang sawing palad sa akin kaya TAMA NA ANG PAGMUMUKMOK!!!

so i bid farewell to that chapter of my life...here comes a new me!!! a better me!!! and this entry would be the reminder for me...no more turning back!!! move on!!!

meanwhile, panalo si jen at mark sa starstruck...hahaha (pagkatapos ng makabagbagdamdamin??? na kwento, biglang showbiz!!!) ok lng un kc wla nmang talo dhil lahat cla may kontrata...ano ba yan, halatang halata na maka-chismis ako!!!

"love, if true, conquers all..."

------peach------

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments