Entry: normal na araw Saturday, May 22, 2004




wala namang gaanong nangyari ngayong araw na ito. kumain na pala ko ng pinakabagong sandwich ng kfc, ang chik n' fillet. kaya naman pala napakamura noon (29 pesos lamang po) dahil kalahati lang ata ng hamburger bun...pero konsuelo naman, at okay yung lasa niya. :) siyempre, ang pagbili sa  kfc ay hindi kumpleto kung wala ang aking paboritong mash potatoes...yum!!!

mapashowbiz tayo...tanggal po si neri sa star circle quest! eh, sa 540,000 plus votes ba naman ni sandara no??? kahit weakest siya, in pa rin talaga siya...yun yung isa sa mga pakiramdam mo na magkakaroon ng giyera sa pagkatanggal niya...kahit hindi siya ganon kagaling, astig kasi siya...may tanong nga eh, kung anong gusto niyang sabihin o kung may pasasalamatan siya, sabi niya "i would like to thank everyone except those who don't like me"...kulit eh!!!

at sa mundo ng sports, panalo ang aking mga boys, LA Lakers (hooray!) laban sa magaling namang Minnesota (pero siyempre Lakers pa rin!!!) at ang laban ng Purefoods at Red Bull sa PBA naman ay umabot ng hanggang 3rd overtime, halos nafoul out na ang buong Purefoods team...siyempre masama na naman ang loob ng aking kuya... hehehehehe.

tuloy pa rin ang aking countdown...1 linggo, at deceotso na po ako!!!

pahabol:

asar!!! dumadami pimples ko. help!!!


------peach------

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments