<< November 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30

Mail Me!!!

[KaLai]

[HaM]

[AmiA]

[FLoi]

[JoSeL]

[MmMqx]

Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


rss feed



Friday, June 04, 2004
tamang desisyon



maikli lamang ito... napag-isipan ko kagabi na totoong pakawalan na ang taong mahal ko... para sa ikabubuti ng lahat at para tuloy na rin ang buhay ko... pero lalo pa akong nakumbinse na tama ang aking ginawang paglimot sa nararamdaman ko... lalo pa't ngayon, dinala pa ng ex ko ang gf niya DITO SA BAHAY KO!!! ni hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang ako magalit!!! nasasaktan lang ako...


------peach------

Posted at 09:02 am by porkypeach
Make a comment

Friday, May 28, 2004
happy birthday to me!!!



well, siyempre maligayang bati sa akin!!! (habang isinusulat ko ito, May 29 na po sa aking "time zone"...medyo nakakalito kasi dito ang dates!!!) kaya ako po'y ganap na deceotso na...marami na ang nangyari at nagbago sa akin, pero alam ko ikabubuti ko naman ang pagbabagong iyon...medyo may ikinalungkot ako kanina, nung bumati sa akin ang pinakamamahal ko at nabanggit niya yung tungkol sa "monthsary" nila ng girlfriend niya (May 28 kasi, bisperas ng araw ko)...pero agad kong pinagpaliban ang pag-isip tungkol doon... kasi mas maraming rason para maging masaya kaysa maging malungkot! hindi ko na yun iisipin, dahil maayos na ang lahat, masaya na ang mahal ko, kaya panahon ko naman para sumaya na rin...

yun lang po muna sa ngayon!

M A L  I G A Y A N G  B A T I  S A  A K I N ! ! !


------peach------

Posted at 09:48 am by porkypeach
Make a comment

Saturday, May 22, 2004
normal na araw


wala namang gaanong nangyari ngayong araw na ito. kumain na pala ko ng pinakabagong sandwich ng kfc, ang chik n' fillet. kaya naman pala napakamura noon (29 pesos lamang po) dahil kalahati lang ata ng hamburger bun...pero konsuelo naman, at okay yung lasa niya. :) siyempre, ang pagbili sa  kfc ay hindi kumpleto kung wala ang aking paboritong mash potatoes...yum!!!

mapashowbiz tayo...tanggal po si neri sa star circle quest! eh, sa 540,000 plus votes ba naman ni sandara no??? kahit weakest siya, in pa rin talaga siya...yun yung isa sa mga pakiramdam mo na magkakaroon ng giyera sa pagkatanggal niya...kahit hindi siya ganon kagaling, astig kasi siya...may tanong nga eh, kung anong gusto niyang sabihin o kung may pasasalamatan siya, sabi niya "i would like to thank everyone except those who don't like me"...kulit eh!!!

at sa mundo ng sports, panalo ang aking mga boys, LA Lakers (hooray!) laban sa magaling namang Minnesota (pero siyempre Lakers pa rin!!!) at ang laban ng Purefoods at Red Bull sa PBA naman ay umabot ng hanggang 3rd overtime, halos nafoul out na ang buong Purefoods team...siyempre masama na naman ang loob ng aking kuya... hehehehehe.

tuloy pa rin ang aking countdown...1 linggo, at deceotso na po ako!!!

pahabol:

asar!!! dumadami pimples ko. help!!!


------peach------

Posted at 10:24 am by porkypeach
Make a comment

Friday, May 21, 2004
isang bagay na natutunan


grabe, sobrang tagal na kong hindi nakasulat dito! pero mga pare, gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking natutunan sa mga napagdaanan ko sa mga nakalipas na buwan...pag iniisip niyo na nasasaktan kayo ng dahil sa isang tao o pangyayari, isipin niyo na may nasasaktan para sa inyo...kaya pag patuloy kayong nagpapaubaya sa ibang tao na saktan lang kayo basta basta, isipin niyo, ang pagdurusa niyo, doble ang sakit kasi may nasasaktan pag nakikita kayong ginaganyan...worst, ang mga nasasaktan ay yung taong nagmamahal sa inyo...kaya lumaban kayo para sa mga mahal niyo sa buhay! mahalin niyo ang inyong sarili at magpakasaya dahil iyon ang nararapat!

sana na-inspire ko kayo folks...:)

8 days na lang, birthday ko na! countdown na ito!!!


------peach------

Posted at 10:31 am by porkypeach
Make a comment

Friday, February 20, 2004
long time no write!!!


grabe, isang buwan na lng...BAKASYON na!!! pero ciempre, ndi maluwalhati ang pagdating ng bakasyon dahil magiging isang malaki at talagang MALAKING pasakit ito para sa lahat ng mag-aaral!!! katakut-takot na exams, paperworks at deadlines...achaka walang patawad na naman ang puyatan, pero pag natapos iyon...whoopee!!! summertime is coming!

peeps, malapit na ang debut ko...bwahahaha...isang taon na naman ang aking itatanda...deceotso na ko sa mayo pa, pero malapit na rin yon...hehehe...kailangan nang magplano!!!

quote for the day: "if you'll love someone new, make sure you love him/her for theirselves, not because you see your former love on them...gamitan yon mga tsong!!!"

------peach------ 

Posted at 12:40 am by porkypeach
Comments (1)

Monday, February 09, 2004
wala lang...

ang hirap palang mgdonate ng blood ang wala!!! nanghihina na ako ngaun, hehehe...pero at least, nakatulong di ba??? pero grabe, lagi na lang akong nahihilo....arrgh...type pla dugo ko... hehehe

oist!!! feb fair na mga guys!!! masaya ito!!!

happy valentines day!!! 2 all the singles out there, okei lng yan khit wlang jowa, ndi nman ibig sbihin na kailngang malungkot ang v'day ntin!!! let's have fun!!!

------peach------


Posted at 01:20 am by porkypeach
Comments (1)

Sunday, February 01, 2004
bagong buhay!!!



 mtgal tgal rin akong hindi nkasulat...bunga ng mga pangyayaring di ko inaasahan... at higit sa lahat, sumubok sa aking lakas...hindi ko na ilalahad dito kung ano man iyon...dahil gusto ko na iyong kalimutan...gusto ko nang magpatuloy...nakakalungkot isipin na sa buhay na ito, may mga bagay na kailangan mong tanggapin, kahit masakit, kahit hindi mo maintindihan kung bakit sa sa dami dami ng tao sa mundo ay sa iyo nangyayari ang mga bagay na hindi maganda, maloloka ka talaga! pero naisip ko rin na dahil sa mga napagdaanan ko, nararamdaman ko ang mas makabuluhang pagbabago, para mas lalo pang bumuti ang aking pagkatao at sarili...kahit na may sakit pa akong nararamdaman, gagamitin ko ang sakit na iyon para mas lalo pa kong tumibay...at kung tutuusin, ang napagdaanan kong problema ay tungkol sa pag-ibig!!! iniisip ko na aba, mas marami pa diyan ang sawing palad sa akin kaya TAMA NA ANG PAGMUMUKMOK!!!

so i bid farewell to that chapter of my life...here comes a new me!!! a better me!!! and this entry would be the reminder for me...no more turning back!!! move on!!!

meanwhile, panalo si jen at mark sa starstruck...hahaha (pagkatapos ng makabagbagdamdamin??? na kwento, biglang showbiz!!!) ok lng un kc wla nmang talo dhil lahat cla may kontrata...ano ba yan, halatang halata na maka-chismis ako!!!

"love, if true, conquers all..."

------peach------


Posted at 10:48 pm by porkypeach
Make a comment

Tuesday, January 27, 2004
kasiyahan...



kgagaling ko lang sa gonzales compound, kc ngbenta ako ng cws fund raising somethings... hehehehe... para cia sa mga projex namin 2 maintain d beauty of the uplb campus...mgtatanim pa kmi ng mga bgong trees????? kc polluted na mciado ang campus!!!! harharhar!!!!

ang kukulit ng mga tao sa gonzales, namely sina sidney, ino, gf, ferfer at dawn. knya knyang klokohan!!! pero super saya!

manonood ako ng cindy ferrer bukas...feeling ko nman ay comedy cia...

------peach------


Posted at 06:54 pm by porkypeach
Make a comment

Monday, January 26, 2004
pag ang utak nasa paa...



hay naku...isang masamang simulain ng linggo, biruin mo, alitan na kaagad... pero wala naman akong masisisi kundi ang sarili ko... kadalasan talaga hindi ako nag-iisip!!! kung ano-ano na lang ang ginagawa ko sa buhay... nagmamarunong kasi! tapos ako rin ang masasaktan... kaya uulitin ko ulit... i'll be getting a life!!! this is so pathetic...

anyweiz, ang saya kasi sa loob ng isang linggong pagdadalamhati, ngaun lang ako nkaramdam ng kalayaan..."sense of freedom" kumbaga. kasi wala akong test ngaung linggong 'to!!! (pero next week 2, kya njoy njoy muna!) umattend ako ng orientation ng writers at msaya cia... kumbinsido na rin akong pumasok... tapos ung tipo bang walang kontra sa ginagawa mo, kaya masaya talga! prang khit na isang saglit, inuna ko ang aking sariling kaligayahan at gnamit ko sa aking pansariling kagustuhan ang aking oras!!!

tama na nga'to, wla ng mgbabasa ng blog ko kung may pagka-depressing ang topics ko!!! pero sa nkikita ko ngaun, medyo my pgkasentimental muna ang lahat... lilipas din ang panahon at mwawala na 'tong topak ko!!!

nga pala, recommended ko for watching ang "sassy girl"...lalo na ung mga romantics dian... magandang movie, ndi traditional...ganda pa ng lead actress, sorry na lng sa mga girls kasi ndi kgwapuhan ung lead actor... peo mganda cia...a combination of love, humor, brutality and destiny....

" if you love someone and he loves someone else, let him go...and continue living. because if you cannot continue living, then what you feel is not love at all...because that person had loved you in some way, and he wants you to be happy and go on with life... "



------peach------


Posted at 06:36 pm by porkypeach
Make a comment

Sunday, January 25, 2004
pabalik-balik




ayoko ng "emotional relapse"...ung akala mo ay ok na at tanggap mo na ang lahat tapos bigla ka na lang mgcocollapse sa isang saglit...nakakainis! gaya ngaung sunday na ito... napaka-"emotionally unstable" ko!!! pero ndi pwdeng mgpatuloy ang ganito... kaya from now on, im getting a life!



------peach------


Posted at 06:12 pm by porkypeach
Comments (1)

Next Page